
SATANAS: kalaban o kabisig?
Pagsubok sa Ilang: Ikaapat na Mukha ni Satanas
ni Tony Perez
Anvil Publishing, Inc., Manila: 2005
ISBN 971-27-1657-0 Php 350.00
(Winner, Best Book for Theology & Religion, Manila Critics Circle’s National Book Awards 2006 )
Ahriman. Satanas. Satan. Lucifer. Matandang Ahas. Diablo. Devil. Evil. Demonyo. Demon. Mapulang Dragon. Shaitan. Iblis. Prinsipe ng Kadiliman. Beelzebub. Nasirang Anghel. Ilan lamang sa mga pangalang ibinigay sa nakagisnang pinagbubukalan ng kasamaan at kabuktutan sa sanlibutan. Iba’t ibang pangalan na naglalawaran ng iba’t ibang mukha. Subalit sino ba si, o ano ba ang, Satanas?
Sa Pagsubok sa Ilang: Ikaapat na Mukha ni Satanas inilahad ni Tony Perez (Eros Thanatos Cubao: Mga Piling Katha, National Book Awards 1994 Fiction) ang panibagong pananaw at pag-unawa sa apatnapung araw ng pag-aayuno at pananalangin ni Kristo sa ilang. Ang pagsasaliksik kay Satanas bilang kontrapunto ang magbibigay liwanag kung bakit mag-isang nagtungo si Kristo sa ilang.
Malalim ang pagtalakay ni Perez sa naunang tatlong mukha ni Satanas, mga pagtalakay na nagmula sa kasaysayan, mitolohiya, sosyolohiya, sosyosikolohiya, at teolohiya. Sa ikaapat na mukha ginamit ni Perez ang antipara ng depth psychology na siyang maglalapit kay Satanas sa mambabasa.
Kalaban
Satanas ang nakagawiang tawag sa mga taong kaaway o kakaiba. Noong panahon ng Inkwisisyon sa Europa, maraming tao ang sinunog ng buhay sa paniniwalang taga-sunod sila o sumasamba sa Diablo. Isa sa mga sinunog noong 1431 ang dalagang 19 na taong gulang na si Joan ng Arc. Makalipas ang halos limandaang taon, idineklara siyang isang banal na babae ni Papa Benedicto XV noong 16 Mayo 1920.
Sa kasalukuyang panahon, ilang araw makalipas ang 9/11 o ang pag-atake ng mga terorista sa Amerika, agad tinawag ni Pangulong George W. Bush ang mga bansang
Kabisig
Satanas at mga kampon ng Kadiliman, Diablo at mga kapanig nito ang tema ng mga makabagong pandaigdigang negosyo. Pinagkakakitaan ng bilyong dolyar ng
Maraming negosyo ang umusbong sa pagdiriwang ng Halloween lalo pa’t maraming bansa na ang nagdiriwang nito. Dumarami ang bumibili ng nakakatakot na maskara at damit; mga kendi at kagamitan; mga meyk ap at mga palamuting kakaiba.
Kalaban o Kabisig
Kalaban ba si Satanas o kabisig? Ayon kay Perez, “sa pamamagitan ng mukhang ito, naitatangi si Satanas bilang kabisig ng Diyos sa pagpapatibay ng katotohanan, sa halip na ‘kalaban’ o ‘kaaway’.”
Dalawang ulit kong binasa ang Ikaapat na Mukha ni Satanas upang maunawaan ko, katulong ang aking pagkamalay patungo ng silong ng pagkamalay, ang mga mukha ni Satanas. Inaanyahan kitang maglakbay kasama si Perez at basahin ang aklat ng mga mukha ni Satanas. Ikaw na ang magpasya kung kalaban o kabisig nga ba si Satanas.
(First published in BOOKWATCH, October-December 2006)
No comments:
Post a Comment