Tuesday, December 2, 2008

Kuwentong Kutsero, Kuwentong Pilipino



Kuwentong Kutsero ni Epifanio G. Matute.

Quezon City: University of the Philippines Press, 1995. ISBN 971-542-141-5

Mabibili sa Powerbooks at sa Libros Filipinos Bookshop sa halagang Php300. Kahapon (5 Disyembre) bumisita ako sa UP Press Bookstore, Balay Kalinaw, Dagohoy St., UP Diliman, merong book sale at mabibili ang Kuwentong Kutsero sa halagang Php100! Bili na!

(Winner, 1996 National Book Award for Drama.)



Nagiging ganap lamang ang aking gabi matapos akong mapahalakhak habang nagbabasa ng Kuwentong Kutsero. Ibang aliw ang dulot ng mga kabalbalan ni Teban, ang kutsero sa himpapawid at ng maingay na pamilya Doblecarrera.


Isinulat ni Epifanio G. Matute para sa radyo, tanghalan, telebisyon, at pelikula, satirikal na inilalarawan ng Kuwentong Kutsero ang buhay Pinoy noong mga taon makalipas ang ikalawang digmaang pandaigdig. Kabit-kabit ang patutsada sa mga usapin noon tulad ng buhul-buhol na trapik, lubak-lubak na kalye, magastos at palpak na pamahalaan, mga kandidatong puno ng matatamis na pangako, at relihiyong payat sa gawa.


Malaon ng nawala sa ating mga lansangan ang mga kutsero subalit nananatili ang mga kuwento ng buhay, mga kuwento ng Pilipino. Ang bawat aklat ay kuwento ayon sa mga mata ng may-akda. Sa isyung ito, bisitahin ang mga aklat na nagwagi sa ika-26 National Book Awards. Narito ang kuwento ng mga hinaharap ng sector ng Academic Publishing. Mababasa rin ang kuwento ni Karylle, ang bagong tagapagtaguyod ng Get Caught Reading Campaign.


Halina’t magbasa at nang maaliw ng mga aklat na naglalaman ng mga kuwentong Pilipino!


(First published in BOOKWATCH, October-December 2007.)

No comments:

Post a Comment